hindi man amoy ang Pasig river sa loob ng ferry, kitang-kita naman ang malaking problemang kelangang lutasin ng gobyerno. Ang halos-walang patid na squatter areas. Ang mga naglalakihang factories na pawang mga eyesores. Isama na natin ang mga billboards lalo na sa may Guadalupe. Kapansin-pansin din ang taas ng tubig lalo na pag humahampas sa gilid ng Escolta. Ang laki na ng inilubog ng Maynila nitong nakaraang dekada kaya sige ang pagbaha. Kakalungkot din na napaka-polluted ng ilog Pasig.
Sa positibong obserbasyon naman, mainam itong Pasig Ferry. Mabilis ang biyahe at walang trapik. Maaliw pa ang mga bata. Kesa sa walang kaabog-abog na mga palabas sa TV at sine, ba't di niyo subukan gawin itong pampalipas-oras.
Tips for photographers: Pinapayagang kumuha ng litrato maliban sa kahabaan ng MalacaƱang Palace. Iba pang mga detalye: may 18 biyahe upstream at 18 downstream mula 5.30 ng umaga hanggang 9 ng gabi • May parking sa Escolta station • Pamasahe: flat rate na P25.00
2 comments:
Are you sure they travel all day long now? In the first week I was struck in Escolta at 9pm because they stopped 5 i wasn't able to do the return trip). Next boat was 5pm !
I don't understand this silly rule of no pictures of MalacaƱang Palace!
You can have better details/views with google earth!
sid, i think they're not yet fully operational for lack of passengers and public awareness. once the demand is there, i think the trips would be more regular. which is the objective of this post - to make more people aware of this service.
Post a Comment