Friday, August 25, 2006

Wika nga


Biruin nyo yan, matatapos na ang buwan ng Agosto pero ngayon ko lang naalalang I-blog na ang buwan na ito ay buwan ng paggunita sa wikang Pilipino. Oo nga't tagalog ang gamit natin sa pag-uusap, pagte-text, pag-i-email pero mas madalas kesa hindi, nananaig ang wikang Ingles. Sa aking linya ng trabaho, madalas ako ang naaatasan na sumulat kapag Tagalog na ang isusulat. 

pero kalimitan din, pang-tabloid na tagalog ang napagsasanayan ko. kahit man lang sa artikulong na ito, maalala natin na bagama't mahalagang maging mahusay sa pagsalita sa wikang ingles, dapat ata na mas pag-ibayuhin natin ang pagiging matatas sa pananagalog. 

hindi naman mababawasan ang ating galing sa pag-ingles kung atin din pagtutuunan ng pansin ang wikang pilipino. mas hahaba ang text message pero mas dama mo. mas hahaba ang email pero mas ramdam ang bawat kataga.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails