Wednesday, December 13, 2006

Biyaheng Bicol

Nakakarinding isipin na habang ako ay naghihintay ng bonus ngayong Pasko, ang mga kababayan natin sa Bicol ay naghihintay ng tulong. Hindi naman puwedeng sabihin lang na nakakaawa sila kung hindi tayo kikilos upang tumulong maibsan ang paghihirap nila. Noong Biyernes, napagpasyahan namin na mag-abot ng mga pagkain sa pamamagitan ni Gov. Gonzales. Ngayong darating na Linggo, may outreach na in-organize ang Marzan Transport para maghatid ng relief goods sa Sto. Domingo at Legaspi.


Ang tunay na diwa ng Pasko ay ang pagbibigayan. Kaya kumakatok kami sa inyong mga puso na magbigay, kahit kapurit, na tulong para sa mga nasalanta ng bagyong reming. anumang donasyon (laruan, yero, mineral water, noodles, canned goods, bigas, gamot) ay malaking bagay na. Kahit patak-patak na tulong (halimbawa ay tig-isa o dalawang de-lata - kapag naipon - ay mapapakinabangan ng marami). Makipag-ugnayan lamang kay Tess Cielo (526-2994/95) o Tessie Marzan (743-2152).

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails