Medyo matagal na panahon din akong di nagawi sa Avenida, sa downtown Manila. Kaya laking gulat ko na makita na ang kahabaan ng makasay- sayang daanang ito, Mula Recto hanggang sa may Carriedo, ay sinara sa pampublikong sasakyan at ginawang pasyalan. Maganda itong ginawa nila dito. May mapapasyalan ang mga taong dati'y nangingiming pumunta sa Avenida dahil madilim at naging pugad ng mga isnatser. Nalungkot lang ako nang makita na wala na ang mga dating mga paboritong bisitahin tulad ng Goodwill Bookstore.G anon siguro talaga ang buhay. Mabalik sa pagpapaganda ng Avenida -- hindi man ako palo sa ibang proyekto ni Alkalde Atienza (tulad ng nangyari sa Arroceros Park), hanga ako sa nangyari dito. Ngayon, kahit si lola at si apo, may mapapasyalan na kahit kapurit ang dalang pera.