Monday, September 18, 2006

Manila - Linggo ng tanghali, sa may Avenida

Medyo matagal na panahon din akong di nagawi sa Avenida, sa downtown Manila. Kaya laking gulat ko na makita na ang kahabaan ng makasay- sayang daanang ito, Mula Recto hanggang sa may Carriedo, ay sinara sa pampublikong sasakyan at ginawang pasyalan. Maganda itong ginawa nila dito. May mapapasyalan ang mga taong dati'y nangingiming pumunta sa Avenida dahil madilim at naging pugad ng mga isnatser. Nalungkot lang ako nang makita na wala na ang mga dating mga paboritong bisitahin tulad ng Goodwill Bookstore.G anon siguro talaga ang buhay. Mabalik sa pagpapaganda ng Avenida -- hindi man ako palo sa ibang proyekto ni Alkalde Atienza (tulad ng nangyari sa Arroceros Park), hanga ako sa nangyari dito. Ngayon, kahit si lola at si apo, may mapapasyalan na kahit kapurit ang dalang pera.

10 comments:

Sidney said...

Beautiful picture!

lagal[og] said...

salamat sid! coming from you, it's all the more flattering :-D

Unknown said...

di na ako takot maglakad sa avenida, laki ng ginanda. oks lang wala jeep doon nag LRT1 at LRT2 naman ako eh, hehehe.

cool picture of lola at apo.

lagal[og] said...

thanks bro cruise! kahit naman ako, sanay na sa avenida. wag lang me magkamaling hablutin ung camera ko, hahaha. buti nga me lrt1 & lrt2 na, mas madaling puntahan ang quiapo, avenida, recto, ongpin, binondo na iwas-trapik

Anonymous said...

sir oggie! ang ganda ng photo...i was so touched that i missed my lola... :(

Anonymous said...

Buti ngayon di na nakakatakot mag liwaliw dyan. Madalas ako ma sidetrip dyan pag bibili ng DVD sa Quiapo. Hehehe!

Ang galing ng capture mo dun sa Mag-lola.

lagal[og] said...

ferdz, u must have meant dibidi, hehehe. naku bro, na-dyahe ako kunan ung mag-lola so did a big framing, kuwari background lang sila. i cropped the capture na lang. thanks for the encouraging words.

Unknown said...

nakakatuwa rin yung hildago, grabe ang iginanda ngayon, wala ng mga tindahan sa gitna at pinaganda din ang daan, sisigla ang photoghrapy business lalo doon...

Anonymous said...

what a touching image.

rach

lagal[og] said...

thanks again rachel! i really love taking pics out in the street when it's allowable and (relatively) safer, hahaha
:-D

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails