Ako ay avid supporter ng mga programa na may saysay at kabuluhan. Kaya sa post kong ito, ang naisip kong i-promote ay ang bagong Pasig ferry. Mula sa Escolta station hanggang guadalupe, P25 lang ang bayad, 50 minuto lang ang biyahe. Aircon na, malinis at mabango (pa) ang ferry boat. Kaya kahapon, naisip kong magbreak at magmuni-muni habang sakay ng pasig ferry. Maganda at malinis ang waiting station. High-tech ang ticketing (barcode reader access). Pagsakay mo sa catamaran, impressive ang linis. May DVD movie pa na palabas sa large-screen LCD.
hindi man amoy ang Pasig river sa loob ng ferry, kitang-kita naman ang malaking problemang kelangang lutasin ng gobyerno. Ang halos-walang patid na squatter areas. Ang mga naglalakihang factories na pawang mga eyesores. Isama na natin ang mga billboards lalo na sa may Guadalupe. Kapansin-pansin din ang taas ng tubig lalo na pag humahampas sa gilid ng Escolta. Ang laki na ng inilubog ng Maynila nitong nakaraang dekada kaya sige ang pagbaha. Kakalungkot din na napaka-polluted ng ilog Pasig.

Sa positibong obserbasyon naman, mainam itong Pasig Ferry. Mabilis ang biyahe at walang trapik. Maaliw pa ang mga bata. Kesa sa walang kaabog-abog na mga palabas sa TV at sine, ba't di niyo subukan gawin itong pampalipas-oras.
Tips for photographers: Pinapayagang kumuha ng litrato maliban sa kahabaan ng MalacaƱang Palace. Iba pang mga detalye: may 18 biyahe upstream at 18 downstream mula 5.30 ng umaga hanggang 9 ng gabi • May parking sa Escolta station • Pamasahe: flat rate na P25.00