Monday, March 29, 2004

Wika nga

Maiba naman ng pag-uusapan. Dala ng pagtatrabaho noong Sabado hanggang gabi, napagusapan namin ang wikang Ingles at ang unti-unting pagdalang ng mga taong gumagamit ng wikang Pilipino o Tagalog. Nakakabahala dahil mas madalas na maririnig mo na ang tatas at galing nating mga Pilipino na magsalita ng Ingles. Pero pasalitain mo at pagsulatin sa Tagalog, naku, hayan, wala nang binatbat. Ako man ay nababahala kasi nga, pati ako, pag nagiisip, ay kadalasan sa wikang Ingles din.

Kayrami rin mga bagay lalo na ang emosyon, na mainam pa rin wikain at ipahayag sa wikang Pilipino. Noong ako'y magka-edad na, mas lalo kong naintindihan at nabigyang halaga ang mga awiting Tagalog. Hindi naman sa pagbabatikos sa paggamit ng Ingles. Ang blog ngayong araw na ito ay pagsasanay din sa paggamit ng Tagalog. Aba'y kung kaya ko, kaya nyo rin ito!

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails