Monday, October 3, 2005

Gen. Nakar, 11 buwan matapos ang mga landslides

Humigit-kumulang mga 4-4.5 oras lang ang layo ng Gen. Nakar, Quezon sa Maynila pero mukhang malayo ito sa tulong ng bayan. Ito ang napili ng aming batch sa Mountaineering Federation of the Philippines para maging beneficiary ng aming tree-planting project nitong nakaraang weekend. Maganda pa rin ang tanawin dito kahit na halatang may mga sugat o pruweba pa rin ng landslides ang kabundukan. Sa Maynila, isinasawalambahala lang natin ang kuryente subalit dito, magiisang taon nang walang kuryente. Ultimo yelo ay kailangan pang sadyain sa Infanta, may mga 30-45 minuto ang layo pagkatapos tumawid ng ilog at dumaan sa lubak-lubak at mabatong daanan. Kailangan pa rin ng Gen. Nakar ang tulong, 11 buwan na matapos ang malagim na trahedyang sinapit ng mga barangay dito.

No comments:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails