Sunday, June 4, 2006

Para sa 'yo 'to bro


Parang kelan lang, abot-abot ang ating mga ngiti at saya. Walang mahabang lakaran na makakadiskaril ng mga plano, walang matarik na bundok na makakapigil sa kagustuhang umakyat. Para kahit sandali, maabot ang karaniwa'y naabot lamang ng mga ibon. Brother York, ngayon malaya ka na, umakyat, lumipad nang mas mataas pa sa pinakamataas na bundok. Mula sa Grupo Trese, at sa bawa't miyembro nito, taos-puso kaming nagdadasal para sa iyo.S alamat sa mga kuwento, mga biyahe, mga lagok ng gin at Emperador, sa mga tawanan, kantahan, bidahan, kulitan, tulungan, iyakan, akyatan. Di ka namin makakalimutan.
Post a Comment

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails